
Ni: Mary Hope Zonio
Libacao, Aklan- Isinagawa ng lokal na gobyerno sa bayan ng Libacao sa lalawigan ng Aklan sa panguguna ni Vice Mayor Vincent Navarosa na siya ring tumatayong representante ni Libacao Mayor Charito Navarosa ang konsultasyon sa publiko partikular sa Agbatuan Elementary School sa Barangay Oyang Libacao ang Scale Up/ Phase 2 ng proyekto para sa konstruksyon at pagpapaayos ng Dalagsaan Farm-to-Market Road (FMR) na may tatlong tulay papunta sa bayan ng Libacao.
Sa impormasyong ibinahagi ni Rey Orbista ng Libacao LGU, Ito ang ikatlong aplikasyon ng LGU-Libacao sa Department of Agriculture sa pamamagitan ng Philippine Rural Development Project ( DA-PRDP).
Ang nasabing proyekto ay naaprubahan ng DA-Worldbank na siya ring magtatapos sa konstruksyon at pagpapaayos sa kalsada na bahagi ng connecting barangay Oyang papunta sa Barangay Dalagsaan sa bayan ng Libacao.
Ang unang proyekto na ang Pampango-Rosal-Loctuga-Manika FMR na mayroong tatlong tulay ay nakompleto na at ginagamit na rin sa ngayon. Ang pangalawang proyekto ay ang Manila-Oyang FMR na nakatakda namang gawin kapag mayroon ng Notice to Proceed ( NTP) na ipinalabas ang Department of Agriculture.
Ang konstruksyon at pagpapaayos ng 9.0 kilometers Manila -Oyang FMR ay isa ring counterparting project ng LGU Libacao, DA, Worldbank at ang Aklan provincial government sa pamumuno ni Governor Jose Enrique Miraflores.