Connect with us

Latest News

Mga bagong pasilidad sa Kalibo Health Center binuksan na

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay


KALIBO, Aklan- Pormal nang pinasinayaan at binuksan ang ilang mga bagong pasilidad sa Kalibo Municipal Health Office kung saan inaasahan ang pagdagdag ng mga serbisyo para sa mga residente sa ilalim ng programang ‘Bagong Kalibo.’

Ayon kay Kalibo Vice Mayor Cynthia Dela Cruz, ilan lamang sa mga bagong pasilidad ay ang Dental Health Clinic, Animal Bite and Treatment Center at ang Kalibo Health and Birthing Center.

Ilan lamang sa dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng nasabing dental health facility ay sila Dr Leslie Ann L. Sedillo ng Provincial Health Office, ilang mga miyembro ng Sanguniang Bayan ng Kalibo, Dr Jocelyn Garcia, head ng Municipal Health Office at iba pa.

Ayon kay Vice Mayor Dela Cruz, nagpapasalamat siya kay Kalibo Mayor Juris Bautista-Sucro dahil sa suportang ipinakita nito para mabuo ang mga bagong serbisyo ng Kalibo Health Office.

Hinimok din ni Vice Mayor Dela Cruz ang mga residente na gamitin ang libreng serbisyo lalo na ang pagbisita sa kanilang dental health facility. Eto ang kauna unahang public dental health facility sa Aklan.

Bread & Butter Biscocho de Boracay