
Ni: April Hope Zonio
Nabas, Aklan- Upang maipakita sa publiko ang kahalagahan ng pangangalaga sa paligid at karagatan, nagsagawa ng coastal clean up drive ang Bureau of Fire Protection o BFP kamakailan sa Barangay Nagustan, Nabas.
Tinatayang umaabot sa 22 na garbage bags ng iba’t ibang uri ng basura ang naipon nila sa nasabing aktibidad.
Ayon kay FO3 Menchie Alba, arson investigator at shift supervisor it BFP Nabas, katulong nila sa nasabing hakbangin ang barangay council at mga residente sa lugar. Una silang naglinis sa Brgy. Solido hanggang sa umabot sa Nagustan sa nasabing bayan.
Ang hakbang na ito ay boluntaryong ginagawa ng mga nasabing ahensiya sa kagustuhang makatulong sa paligid at mapanatili ang kaayusan ng kapaligiran na siyang pinagkikitaan ng ilang mga residente.