Connect with us

Latest News

DSWD, nakapagbigay na ng P5.4 M educational cash assistance sa Aklan

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ni: Mary Hope Zonio

Kalibo Aklan–Umaabot na ngayon sa P5.4 million ang naipamahaging educational cash assistance ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ayon sa pinagsamang resulta ng pay out noong nakaraang Agosto 20 at 27.

Ayon kay Atty. May Rago Castillo, tapagsalita ng DSWD Region 6 na nasa 2.7 millon pesos ang naipamigay ng ahensiya sa unang araw ng pay out samantalang 2.6 million pesos naman sa ikalawang araw.

Dagdag pa nito na mayroon ng kabuuang P43.89 million ang naipamahaging cash assistance sa buong Western Visayas para sa 16,033 na benepisyaryo.

Sa nasabing bilang, 3937 ay mula sa Elementary, 3214 sa Junior High School, 2015 sa Senior High School at 6,867 sa College.

Napag-alaman na sa ngayon ay hindi na tumatanggap ang DSWD ng walk-in at kailangan munang magparehistro online ang mga gustong makatanggap ng nasabing ayuda.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay