Connect with us

Election 2025

Dating Kalibo Mayor Raymar Rebaldo nagpahayag ng suporta sa (25)AnakKalusugan Partylist

Published

on

KALIBO, Aklan- Nagpahayag ng kaniyang personal na suporta si datig Kalibo Mayor Raymar Rebaldo sa pamunuan ng AnakKalusugan Partylist.
Ayon kay Rebaldo, marami ang natulingan ang nasabing partylist na mga taga Kalibo noong siya ay naging alkalde. Si Rebaldo ay kasalukuyang tumatakbo bilang councilor ng Kalibo sa kaniang pangatlong termino.
Ayon naman sa panayam ng Boracay Island News Network (BINN) kay Bongย  Sanchez, isa sa mga campaig coordinators ng AnakKalusugan partylist, kalusugan ng bawat Pilipino ang layon ng nasabing partylist. Nauna na etong inindorso ng kilalang doktor na si Dr. Willy Ong.
“Layon nitong makapagbigay ng libreng medical check-ups lalo na sa hanay ng blood chemistry at sugar kahit isang beses kada taon,ย  madagdagan ang mga bed capacities sa hospital at iba pa,” pahayag ni Sachez.
Napag alaman na ang dating mayor ng Valderama, Antique na si Ray Roquero ang pangalawang nominee nito.
Maliban kay Rebaldo,ย  suportado rin ni incumbent councilor Allan Palma Jr ang AnakKalusugan partylist sa bayan ng Malay, Aklan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *