Business
Pablings Barbershop Nagbukas sa Kalibo; Apat Pang Sangay sa Iloilo Target Sa 2027

KALIBO, AKLAN โ Pormal nang binuksan ngayong Oktubre 8, 2026 ang Pablings Barbershop Aklan sa Roxas Avenue, Barangay Poblacion, Kalibo, Aklan.
Isinagawa ang grand opening ceremony na dinaluhan ng mga panauhin, kaibigan, supporters at mga kinatawan ng lokal na komunidad.
Kabilang sa programa ang panalangin, welcome remarks, mga mensahe mula sa special guests, mensahe ng may-ari, ribbon-cutting ceremony, pagbabasbas sa barbershop at ceremonial first haircut.
Sa mensahe na ipinaabot ni Kalibo Mayor Juris Bautista-Sucro, binigyang-diin na ang bawat bagong negosyong nagbubukas sa Kalibo ay nagpapakita ng kumpiyansa sa lumalaking ekonomiya at komunidad ng bayan. Binasa ni Carla Doromal, Executive Assistant nu Bautista ang nasabing mensahe.

Bukod sa pagbibigay ng grooming services, inaasahang makatutulong din ang Pablings Barbershop sa paglikha ng trabaho at pagpapalakas ng lokal na negosyo.
Hinikayat naman ni Michael Padayao, may-ari ng Pablings Barbershop ang mga Akeanon na suportahan at tangkilikin ang kanilang serbisyo.
Ayon Kay Padayao, nais nilang maging bahagi ng komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo sa pag-aayos ng buhok at grooming, habang patuloy na pinapalawak ang kanilang negosyo.
Samantala, may mas malawak pang expansion plan ang Pablings Barbershop sa Western Visayas.
Target ng kompanya na magkaroon ng apat na sangay sa Iloilo pagsapit ng 2027, bilang bahagi ng kanilang plano na mapalawak ang kanilang serbisyo at maabot ang mas maraming customer.
Sa pagbubukas ng sangay sa Kalibo, umaasa ang Pablings Barbershop na magiging bahagi ito ng patuloy na pag-unlad ng mga lokal na negosyo sa Aklan.
Basta Pablings? Guwapings!


