Connect with us

Latest News

Aklanon actor Tamerlane Mopia mapapanood sa pelikula ng Viva Films at serye ng IWantTV

Published

on

Mula sa matagumpay niyang unang pagganap bilang Nurse Peter sa Blood and Duty series ng ABS-CBN, panibagong oportunidad sa mundo ng showbiz ang naghihintay sa Aklanon actor na si Tamerlane Mopia, na mas kilala rin bilang “Alaska Boy.”

Press enter or click to view image in full size

Si Mopia, na nagmula sa bayan ng Makato, Aklan, ay nakatakdang mapabilang sa cast ng pelikula ng Viva Films na pinamagatang Henyo. Kabilang din eto sa vertical movie na ‘The Perfect Wife’ at ‘Dead Girl Walking’ sa IWant TV ng ABSCBN.

“Patuloy ninyo pa rin akong tangkilikin sa aking paganap bilang Nurse Peter sa Blood and Duty,” pahayag niya.

Maliban kay Mopia,kasama din sa Henyo cast ang ilang beteranong aktor katulad nila Nova Villa, Baron Geisler, Althea Rueda, Ali Suzuki at iba pa.

Press enter or click to view image in full size

Ang kanyang pagganap bilang Nurse Peter sa Blood and Duty ang nagsilbing unang malaking hakbang niya sa pag-arte sa telebisyon. Ang positibong karanasang ito ay nagbukas ng panibagong pagkakataon upang maipakita ang kanyang kakayahan sa mas malawak na larangan ng entertainment industry.

Sa kanyang pagpasok sa proyekto ng Viva Films, patuloy na lumalawak ang oportunidad ni Mopia bilang isang umuusbong na artista sa Philippine entertainment industry.

Press enter or click to view image in full size

Ipinagmamalaki ng kanyang mga kababayan sa Makato at buong lalawigan ng Aklan ang kanyang pagsisikap at pag-usad sa showbiz, bilang isang lokal na talentong unti-unting nakakakuha ng pagkakataong makilala sa pambansang entablado.

Mula sa kanyang unang pagganap bilang Nurse Peter sa ABS-CBN hanggang sa dalawang pelikula ng Viva Films, patuloy na sinusubaybayan ang paglalakbay ni Tamerlane Tommy Mopia, ang tinaguriang “Alaska Boy” ng Makato, Aklan.

Ati-Atihan Festival Hotel
Bread & Butter Biscocho de Boracay