Connect with us

Election 2025

Aklanon tumatakbong mayor ng San Vicente, Palawan

Published

on

Malinao, Aklan- Isang batang Aklanon ang kasalukuyang matapang na tumatakbong mayor sa bayan ng San Vicente, Palawan.
si James ‘Admin’ Inawasan na tubong Malinao, Aklan ay kasalukuyang pambato ng mayor sa ilalim ng Bagong San Vicente Party. Nakilala si Inawasan sa Aklan bilang isang aktibong miyembro ng municipal federation president ng Sanguniang Kabataan ng bayan ng Malinao, Aklan.
Siya ngayon ay inihahalintulad bilang isang ‘Vico Sotto’ ng lalawigan ng Palawan.
Matapos ang kanyang termino bilang SK, lumipat eto sa San Vicente para magtrabaho ng ilang taon bilang isang municipal administrator.
Kasama ni Inawasan sa kanyangย partido sila AVG Gonzales para sa pagka bise alkalde, at mga kasamahan sa konseho na sila Tintin Rabina, Beth Uapal at Jan Gonzales.
Nagtrabaho din si Inasawan bilang chief political officer sa kamara.
Si Inawasan ay nag-aral sa Malinao School for Philippine Craftsmen at University of the Philippines-Visayas.