Connect with us

Latest News

Dalawang PDL sa BJMP-Aklan nagpositibo sa sakit na TB

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ni: Mary Hope Zonio

Kalibo Aklan———Pansamantalang naka-isolate ngayon habang sumasailalim sa gamutan ang dalawang Person Deprived of Liberty o PDL sa Bureau of Jail and Management Penology o BJMP-AKLAN matapos na magpositibo sa Tuberculosis o TB.

Ayon kay Jail Inspector Rolyn Malolos, Jail Warden ng BJMP-AKLAN na pansamantala muna nilang nilipat sa hiwalay na selda ang mga nasabing PDL upang hindi na makahawa pa sa kanilang kasamahan. N

gayong buwan kasi ay pinalakas pa ng ahensiya ang kanilang programa para sa kalusugan ng mga PDL kaibilang na dito ang education program para sa monkeypox, COVID-19 at ang Tuberculosis.

Kaugnay nito, ipinasiguro naman ni Malolos na tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang hakbang upang masiguro ang kaligtaasan ng mga PDL laban sa iba’t ibang klase ng sakit.

 

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay