Connect with us

Latest News

Tricycle driver, huli sa drug buy bust operation

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

(photo: courtesy of Barangay dyRU-Kalibo

Ni: Mary Hope Zonio

Kalibo Aklan——— Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang tricycle driver matapos na mahuli sa isinagawang drug buy-bust operation ng PDEU-Aklan, PDEA at Kalibo Municipal Police Statiom sa Sitio Lambingan, Brgy. Pook, Kalibo.

Kinilala ni PLt.Col Frenzy Andrade, head ng PDEU-Aklan ang subject person na si Remegio Eusebio Jr., 39 anyos at residente ng Brgy. Ibao, Lezo. Nakuha sa posisyon ng suspek ang isang sachet ng shabu kapalit ng 3,000 pesos na buy-bust money.

Samantala, nakuhaan rin ito ng isa pang sachet ng illegal na droga sa isinagawang body search. Ayon kay PLt.Col Andrade na halos isang linggo na ang kanilang ginagawang monitoring sa nasabing suspek.

Dagdag pa nito na kahit drug-cleared na ang isang lugar ag nagpapatuloy ang kanilang ginagawa na monitoring upang maaresto ang mga patuloy na gumagamit o nagbebenta ng illegal na droga.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay