
ni: Shaine Sorrosa
Ibajay, Aklan- Hindi nagpahuli ang ating mga minamahal na senior citizen bilang mga majorette sa makulay at masiglang parada ng Ugyon Pamatan-on Pahampang 2025 kamakailan sa Barangay Ondoy, Ibajay, Aklan.
Suot ang mga kasuotang berde na tila hango sa karakter ni Sangโgre Alena, agaw-pansin ang kanilang grupo habang buong sigla at ngiti silang nagmartsa sa kalsada. Sa bawat hakbang, sumisigaw ang mensahe: โAng edad ay numero lamang!โ
Sa kabila ng kanilang katandaan, ipinamalas nila ang lakas, galing, at dedikasyonโpatunay na ang pakikilahok sa mga aktibidad pangkabataan ay para sa lahat. Tila mga diwata ng kalikasan, nagbigay sila ng kakaibang kulay, saya, at inspirasyon sa buong parada.
Isang pagpupugay sa ating mga loloโt lola na tunay na huwaran ng lakas ng loob, pagkakaisa, at walang kupas na diwa ng pagiging kabataan!