
Phnom Penh, Cambodia โ Muling pinaalalahanan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang overseas Filipino workers (OFWs) sa Cambodia na tiyaking licensed at DMW-accredited ang anumang agency na kanilang dadaanan.
Isa sa mga pangunahing suliranin ng OFWs sa Cambodia ang pagsasaayos ng kanilang dokumentasyon ngayong araw, Nobyembre 29, 2025.
Ibinahagi ni Mary Grace De Roxas, isang English teacher sa Siem Reap na dumalo sa 17th Multi-Agency Service Mission at OFW Serbisyo Caravan sa Phnom Penh, ang kanyang hiling na hindi lamang maayos ang kanyang kontrata kundi magbukas din sa lalong madaling panahon ang Migrant Workers Office (MWO) sa Cambodia upang mas matugunan ang pangangailangan ng mga OFW dito.
Hinimok din niya ang kapwa Pilipino na โmaging matalino at huwag magpalokoโ at dumaan lamang sa accredited at licensed recruitment agencies ng DMW upang maiwasan ang suliraning kanyang naranasan. Inaasahang tuluyan nang maaasikaso ang kanyang dokumento nang hindi na kinakailangang umuwi pa sa Pilipinas.
Kasabay ng pagresolba sa pangunahing concern na inilalapit ng mga OFW sa Serbisyo Caravan, sinisiguro ng ahensya na mapalawig ang paggamit ng Online Employment Contract Verification System (OECVS) at ng eGov App upang mabigyan ng mas mabilis, mas maayos, at mas accessible na serbisyo ang mga kababayan sa abroad.###