Latest News
๐ฆ๐ ๐ ๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ก๐ฒ๐๐๐ผ๐ฟ ๐๐ป๐ผ๐ฐ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ถ๐ผ, ๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ ๐๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ฒ ๐๐น๐ธ๐ฎ๐น๐ฑ๐ฒ ๐ป๐ด ๐๐ฏ๐ฎ๐ท๐ฎ๐

Ni: Shaine Sorrosa
Ibajay, Aklan- Nakatakdang manumpa bilang bagong Bise Alkalde ng bayan ng Ibajay si SB Member Nestor Inocencio, kasunod ng marahas na pagkamatay ni Vice Mayor Julio Estolloso noong Biyernes, Agosto 8.
Kinumpirma ni Mayor Jose Miguel Miraflores sa isang press conference na isasagawa ang panunumpa ni Inocencio sa darating na Lunes upang opisyal na punan ang nabakanteng posisyon.
Samantala, wala pang naitatalagang kapalit para sa puwesto ni Inocencio bilang miyembro ng Sangguniang Bayan. Ayon sa alkalde, hindi pa ito napag-uusapan ng buong partido dahil sa biglaan at mabigat na insidente.
Tiniyak din ng pamahalaang bayan na hihingi sila ng gabay mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) upang matiyak na legal at maayos ang lahat ng proseso.
Matatandaang binaril at napatay si Vice Mayor Estolloso sa loob mismo ng SB Office umano sa kamay ni SB Member Mihrel Senatin gamit ang isang Glock 17 pistol. Isinampa na kahapon ang kasong murder laban kay Senatin sa tanggapan ng Provincial Prosecutor.
Samantala, dinala na sa bayan ng Banga, Aklan ang labi ng yumaong Bise Alkalde para sa burol na inaasahang tatagal ng ilang araw.
Continue Reading


