
Ni: Mary Hope Zonio
NUMANCIA, Aklan- Masuwerteng nailigtas ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at Bureau of Fire Protection o BFP Numancia ang isang 11 anyos batang lalaki matapos naunang namataan na nalulunod sa Katunggan Beach Resort, Barangay Navitas sa bayan ng Numancia.
Ayon sa report, nauna ng humingi ng tulong sa mga otoridad ang pamilya ng biktima matapos namataang nalulunod ang bata. Sa isinagawang first aid sa biktima ay nailigtas ito matapos matagumpay na maisuka ang mga nalunok na tubig.
Magtulong tulong ang mga operatiba ng Numancia MDRRMO at ng Bureau of Fire-Numancia para maisalba ang biktima.
Dahil sa nanghihina pa ito matapos ang insidente ay kinakailangan pa umano nilang nilagyan ng oxygen bago pa man dinala sa pinakamalapit na ospital para sa karagdagang evaluation. Pagkatapos na masuri ay nasa mabuting kalagayan na rin ang nasabing biktima.