Connect with us

Lifestyle

BINN nagbigay ng tulong sa mga solo mom’s sa Kalibo

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

KALIBO, Aklan- Umabot sa P16,000 sa halaga ng tulong ang ipinaabot  ng Boracay Island News Network (BINN)  sa walong  solo mom’s na may anak na Persons with Disability (PWD’s) sa bayan ng Kalibo.

Ang bawat solo mom’s ay nakatangap ng halagang P2,000 na cash bawat isa nitong pasko.

Ibinigay ang tulong sa pamamagitan ni Kalibo Councilor Atty. Christine Dela Cruz at ng Girl Scout of the Philippines (GSP-Aklan). Ang pera ay galing sa benefactor ng BINN magmula sa United States of America (USA).

Samantala, nagbigay din ng tulong ang BINN para sa christmas party ng Aklan Vloggers and Content Creators Inc. Ang mga tulong ay P500 galing kay Mr Albert Manalo, P500 na gift certificate mula sa Bread and Butter at limang kilong bigas.

Bread & Butter Biscocho de Boracay