
Makato, Aklan- Kapag ikaw ay isang Aklanon o makabisita sa Aklan, huwag palampasin ang masarap na pagkain ng Soling Tapsideria dahil bukod sa masasarap nilang pagkain ay makakatulong ka pa sa kapwa.
Kamakailan, binuksan ang pang apat na branch ng Soling Tapsideria sa bayan ng Makato, Aklan. Eto ang kauna unahang Soling Tapsideria sa labas ng bayan ng Kalibo.
Katulad ng inaasahan, dinumog eto ng mga residente dahil sa perfect na lasa ng mga pagkain nito. Kilala ang Soling Tapsideria sa iba’t ibang menu nito nang Pares.
Ayon kay Mark Sy, may ari ng Soling Tapsideria, binuo niya ang restaurant hindi lamang bilang isang hanapbuhay kung hindi maging daluyan ng pagtulong sa mga nangangailangan.

Ilan lamang sa mga tulong na isinagawa sa ilalim ng pamamahala ng Soling Tapsideria ay ang pagbibigay ng libreng gasolina sa mga tricycle drivers, feeding programs sa mga mahihirap at iba pa.
Dahil sa pagtulong na eto, kaya naman buhos din ang biyayang ipinagkaloob sa nasabing hanapbuhay.
Nauna nang nakilala ang Soling Tapsideria sa tatlong branch nito sa Kalibo sa Poblacion Regalado Street sa gilid ng Magsaysay Park, sa Andagaw Extension at sa Jaime Cardinal Sin Avenue.
Kaya naman, habang kumakain ka sa Soling Tapsideria, busog ka na sa masarap na pagkain, nakakatulong ka pa sa kapwa.