Connect with us

Lifestyle

Pension Loan Program para sa mga surviving spouse pensioner

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ni: John Oblanca

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin, mahalagang may malinaw at maaasahang mapagkukunan ng tulong pinansyal, lalo na para sa mga surviving spouse pensioner na umaasa sa buwanang pensyon.

Dito pumapasok ang SSS Pension Loan Program, isang opsyon na nagbibigay ng agarang pondo na mas mababa ang interes kumpara sa karaniwang pautang at hindi kinakailangang magsangla ng ATM card bilang kolateral.

Layunin nitong tulungan ang mga benepisyaryo na matugunan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan o biglaang gastusin habang patuloy nilang natatanggap ang kanilang buwanang pensyon.

Para maging kwalipikado, kailangang matugunan ng surviving spouse pensioner ang ilang pangunahing kondisyon. Una, dapat ay may Social Security (SS) number at rehistrado sa My.SSS Portal na may updated na contact details at aktibong disbursement account. Kung wala pa, kailangan munang magparehistro bilang surviving spouse pensioner. Ikalawa, hindi dapat bababa sa 18 taong gulang sa oras ng pag- aapply at hindi lalampas sa itinakdang maximum age sa pagtatapos ng loan term ang
loan applicant. Halimbawa, kung pipili ng 6-month loan term ang surviving spous pensioner, ang maximum age niya dapat ay 84 years and 4 months. Kung 12 months na loan term, dapat ay nasa 83 years and 10 months ang aplikante.

Para mag-qualify sa pension loan, dapat ay tumatanggap na sila ng buwanang pensyon nang hindi bababa sa isang buwan at โ€œactiveโ€ ang kanilang pension status. Wala rin dapat na kasalukuyang deductions sa kanyang pensyon o may existing advance pension sa ilalim ng calamity loan package. Kinakailangan din na ang surviving spouse pensioner ang sole payee ng benepisyo at walang record ng pandaraya laban sa SSS.

Inilatag ng SSS ang mga nabanggit na kondisyon upang masiguro na ang loan ay mapupunta sa lehitimong benepisyaryo at may kakayahang magbayad ng monthly amortization.

Pagdating sa halaga ng maaaring hiramin, nakabatay ito sa kalahati o 50% ng tinatawag na aggregate monthly pension. Ang loanable amount ay maaaring katumbas ng 3, 6, 9, o 12 buwan ng naturang halaga, depende sa pipiliing termino, ngunit may maximum cap na โ‚ฑ150,000. Halimbawa, kung ang kalahati ng buwanang pensyon ay โ‚ฑ5,000, maaaring umutang ng โ‚ฑ15,000 (3 months), โ‚ฑ30,000 (6 months), โ‚ฑ45,000 (9 months), o โ‚ฑ60,000 (12 months). Hindi kasama sa computation ang pension ng
dependents, kung mayroon man.

May mahalagang kondisyon ang SSS sa Net Take Home Pension (NTHP). Kailangang hindi bababa sa 40% ang matitira sa sa buwanang pension ng borrower matapos ibawas ang amortization. Kung lalampas ang hulog at bababa sa 40% ang matitirang pensyon, awtomatikong iri-recompute ang loanable amount upang masunod ang patakarang ito. Sa madaling salita, may built-in na proteksyon para hindi maubos ang buwanang natatanggap ng pensioner.

Kung pagbabayad naman ng utang ang paguusapan, ang pension loan ay may interes na 10% kada taon, na kinukwenta batay sa diminishing balance. Ibig sabihin, habang nababawasan ang utang, bumababa rin ang interes. Mayroon ding 2% service fee na ibinabawas sa loan proceeds, kasama ang pro-rated interest bago magsimula ang unang hulog. Ang buwanang amortization ay awtomatikong ibinabawas sa pensyon, at magsisimula ito sa ikalawang buwan matapos maaprubahan ang loan.
\

Isang mahalagang bahagi ng programa ang Credit Life Insurance (CLI). Sa ilalim nito, kung sakaling pumanaw ang borrower bago matapos bayaran ang loan, ang natitirang balanse ay sasagutin ng insurance at hindi na ibabawas sa benepisyo ng mga naiwang benepisyaryo. Nagbibigay ito ng karagdagang seguridad hindi lamang sa pensioner kundi pati sa kanilang pamilya.

Sa kabuuan, ang SSS Pension Loan Program para sa surviving spouse pensioners ay hindi lamang simpleng pautang. Maingat na idinisenyo ang programang ito at may malinaw na safeguards, mula sa eligibility, loan computation, hanggang sa repayment at insurance coverage. Para sa mga kwalipikado, ito ay praktikal na opsyon upang mapunan ang agarang pangangailangan nang hindi isinasakripisyo ang pangmatagalang seguridad sa pananalapi.

Sa tamang paggamit, ang pautang na ito ay maaaring magsilbing tulay, mula sa kakulangan patungo sa mas maayos na pagharap sa araw-araw na gastusin. Ang mahalaga, malinaw ang impormasyon, nauunawaan ang mga kondisyon, at responsable ang pagdedesisyon.

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na page ng SSS sa Facebook, X (dating Twitter), YouTube, at Viber โ€“ hanapin lang ang MYSSSPH. Para sa inyong katanungan, maaring tumawag sa SSS Hotline 1455 para sa mga paglilinaw, o anumang paksa tungkol sa SSS. Bukas din ang usssaptayo@sss.gov.ph para sa inyong concerns at katanungan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay