
Ni: Mary Hope Zonio
Inihayag ngayon ng Aklan Electric Cooperative o AKELCO na dahil sa matagal na pagnayad ng Department of Public Works and Highways o DPWH kung kaya’t mabagal ang kanilang paglipat ng mga poste ng kuryente na naapektuhan ng road widening projects sa buong lalawigan ng Aklan.
Ayon kay Engr. Jude Ropa, Engineering Department Manager ng AKELCO na ang nasabing isyu ay isa rin sa mga problemang hinaharap ngayon ng mga electric cooperatives sa buong bansa.
Aniya, sa kabuuang 789 na power lines at electric posts na kailangan mailipat ay 234 pa lamang ang kanilang natapos.Karamihan dito ay mula sa western side ng Aklan kung saan noong 2019 pa sila humigi ng pundo.
Kapag nakompleto ang bayad, posibleng sa loob ang isa at kakahating taon ay matatapos na ang relocation ng mga apektadong pasilidad.
Samantala, pending naman aniya ang relocation at removal ng 635 na mga poste mula sa Pook papuntang Dumaguit dahil sa ngayon ay hinihintay pa nila ang resulta ng kanilang pag- request ng budget sa DPWH.