
Ni: Rev. Fr. Pol Villalva
(Linggo ng Pentekostes)
Ngayong Linggo ng Pentekostes, ipinagdiriwang natin ang pagbaba ng Espiritu Santo, ang โbirthday ng ating Simbahan.โ Ang mga apostol na dating takot at nagtatago ay naging matatapang matapos silang puspusin ng Espiritu Santo.
Napapanahon ito sa gitna ng kaguluhan sa lipunan:
mga usapin sa Senado, impeachment trial issue, at pagkakampi-kampi at palitan ng masasakit at mapang-insultong pananalita sa social media. Maraming nalilito at nawawalan ng tiwala.
At parang mga apostol din tayo minsan:
โNakapinid ang mga pintoโฆ dahil sa takot.โ (Juan 20:19)
Pero dumating si Hesus at sinabi sa kanila:
โSumainyo ang kapayapaan!โ
Narito ang 3 simpleng mensahe ng Pagbaba ng Espiritu Santo:
1. NAGBIBIGAY ng LAKAS NG LOOB at hindi TAKOT.
Ang mga apostol ay naging matapang na saksi ni Kristo. Ang bayan natin ngayon ay nangangailangan ng mga taong may tapang manindigan sa tama, kabutihan, katotohanan, at pananagutan.
2. NAGDUDULOT ng PAGKAKABUKLOD at hindi PAGKAKAWATAK-WATAK.
โIbaโt iba ang kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritu.โ (1 Corinto 12:4)
Maaaring magkaiba tayo ng opinyon, pero hindi dapat mawala ang respeto at pagmamahal. Ang Kristiyano ay hindi tagapagpalaganap ng galit at gulo kundi tagapaghatid ng pagkakasundo at kapayapaan.
3. NAGDADALA ng PAGPAPANIBAGO at hindi KABULUKAN.
โEspiritu Moโy suguin, Poon, tanaโy Iyong baguhin.โ (Salmo 103)
Hindi lang gobyerno ang kailangang magbago -pati ang ating isip at puso. Sapagkat bago natin husgahan ang iba, tanungin muna natin:
Kung tayo kaya ang nasa kanilang posisyon, magiging tapat kaya tayo sa katotohanan at patas sa pagpapairal ng batas?
MANALANGIN TAYO:
Halina, Espiritu Santo. Bigyan Mo kami ng lakas ng loob para sa tama, pagkakaisa sa gitna ng pagkakahati, at pusong handang magbago. Gawin Mo kaming instrumento ng kapayapaan at katotohanan. Amen.
MGA PAGBASA:
Mga Gawa 2, 1-11
Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34
1 Corinto 12, 3b-7. 12-13
Juan 20, 19-23 See less