Connect with us

Lifestyle

Bakit Ube Ang Kulay Sa Buwan Ng Marso?

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Iloilo City- Tuwing sasapit ang buwan ng Marso, taonang pinagdiriwang ang Womenโ€™s Month bilang isang mahalagang plataporma para ipagdiwang ang mga nakamit ng kababaihan habang tinutugunan ang mga kritikal na isyu tungkol sa pagpapalakas sa kakayahan ng kababaihan at pagkakapantay-pantay ng kasarian.

Nagniningning ang Kagawaran ng Kalikasan at Likas na Yaman Rehiyon VI sa kulay ng ube, habang masayang nagtitipon ang mga kawani upang pormal na salubungin ang pagdiriwang na ito. Ang selebrasyon ay hindi lamang isang simpleng pagtitipon-tipon, kundi ito ay isang masining na pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng bawat kababaihan sa loob ng Kagawaranโ€”mula sa pagiging
mapagkalingang ina at mahusay na lingkod-bayan, hanggang sa pagiging matatag na tagapangalaga ng ating inang kalikasan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Assistant Regional Director for Management Services, For. June Melissa C. Garol, ang hindi matatawarang halaga ng mga kababaihan sa loob ng tanggapan at maging sa mas malawak na komunidad.

Ipinapaalala nito na ang boses at lakas ng bawat babaeng kawani ay pundasyon ng tagumpay ng ahensya sa paghahatid ng serbisyo-publiko.

Nagbahagi rin ng mahahalagang datos at pananaw si Assistant Regional Director for Technical Services, For. Edgardo M. Rostata tungkol sa kahalagahan ng buwang ito.

Sa kanyang paglalarawan, tinawag niyang mga Modern Day Babaylan sa VUCA World o ang mundong Volatile (pabago-bago), Uncertain (hindi sigurado), Complex (masalimuot), at Ambiguous (malabo) ang mga kababaihan ng DENR. Ang mga kababaihan ay nananatiling simbolo ng malasakit sa kalikasan at sa kapwa at katatagan anuman ang hamon ng nagbabagong panahon.

Si Regional Executive Director, For. Raul L. Lorilla ay nagbigay din ng mensahe para sa lahat. Wika niya, โ€œAng tagumpay ng DENR VI ay bunga rin ng husay at sakripisyo ng ating mga kababaihang lingkod-bayan. Sila ang patunay na ang galing ng Pilipina ay walang kapantayan, mula sa tahanan, komunidad, at hanggang sa ating mga kagubatan.โ€

โ€œAting ipagdiwang ang kanilang mga tagumpay at patuloy na isulong ang isang mundong may pantay na oportunidad para sa lahat. Maligayang Buwan ng Kababaihan!โ€ dagdag pa nito.

Ang National Womenโ€™s Month sa Pilipinas ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Marso bilang pagkilala sa mahalagang papel at kontribusyon ng mga kababaihan sa pagbuo at pag-unlad ng ating bansa. Ang selebrasyong ito, na nakaangkla sa International Womenโ€™s Day (Marso 8), ay nagsisilbing mahalagang plataporma upang isulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian, bigyang-pugay ang mga tagumpay ng
kababaihan sa ibaโ€™t ibang sektor, at talakayin ang mga hamon at diskriminasyong patuloy nilang kinakaharap.

Bread & Butter Biscocho de Boracay