Connect with us

Politics

Martin Romualdez inuugnay sa multi-million luxury villa sa Amanpulo

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ibinulgar ng multi-awarded journalist at ABC foreign correspondent na si Natashya Gutierrez na may isang multi-milyong dolyar na luxury villa sa ekslusibong Amanpolo Island sa Palawan ay may kaugnayan kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Gutierrez, ang tinutukoy na property– ang Villa 20 — ay isang eleganteng beachside villa na may apat na kuwarto, plunge pool, malawak na deck, at humigit-kumulang 351 square meters na interior space.

Batay sa papeles nito, ang villa ay nakapangalan sa kumpanyang Kamansi Holdings.

Aniya, kung susuriin ang mga dokumento, nagkaroon ng pagbabago sa mga pangalan sa mga papeles sa pagitan ng 2023 at 2024, ang sinasabing panahon kung kailan nabili ng dating Speaker ang nasabing ari-arian.

Nagbago ang komposisyon ng board of directors, kabilang ang pagtatalaga sa abogadong si Jose Raulito Paras bilang treasurer noong 2024. Binanggit ni Gutierrez na si Paras ay lumitaw din sa mga dokumento kaugnay ng multi-milyong pisong ari-arian sa Spain at Forbes Park na inuugnay din kay Romualdez.

Dati ring direktor si Paras ng Benguet Corporation, isang kumpanyang pagmamay-ari ng dating Speaker.

Kilala rin siya bilang fraternity brother at malapit na business associate ni Romualdez. May tatlo pang abogadong nakalista sa mga dokumento, subalit hindi na pinangalanan ni Gutierrez matapos matuklasang ang mga ito ay mga junior associate sa law firm ni Paras.

Ayon pa sa journalist, ang ikatlong pangalan ay junior lawyer sa Marcventures, isa pang mining company na pagmamay-ari ng dating House Speaker.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay