
By: Hensie Tumbagahan
Option is like a diamond sa mga taong naghahanap ng maraming choices. Makinang sa mata and looks like gusto mo din siya i-grab. One thing lang na napansin ko, we tend to say we have a lot of options kasi we’re still not sure kung ano ang pipiliin mo.
Just like sa job hunting, kung saan merong opening, pasok ang mga qualification mo, and you think gusto mo ang trabaho ay doon ka mag-aapply. Ang rason, to get some experiences, to build confidence, or may be their offer was a good fit of your lifestyle.
For someone who has tried these ways, nakakapagod ang ganitong cycle. Para kang nag-gym to lose weight and riding a unicycle, but you’re not going anywhere.
Kaya nga pinipili ko talagang maglakad na lang.

At mas lalong hindi mo rin ako makukumbinsing uminom kahit pakitaan mo pa ako ng pinaka-expensive and super class na inumin.
I’m not a drinker. I will never drink anything from anyone’s cup or sit in a chair reserved for someone else.
Galing na ako diyan. Babalikan ko pa ba yan, kung ganon din ang kalalabasan?