Connect with us

Agriculture

PAFC- Aklan nagdiwang sa tagumpay sa National Volunteers Day

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Kalibo, Aklan- Nagdiwang ang mga miyembro ng Provincial Agriculture and Fisheries Council (PAFC) sa Aklan matapos sang dobleng tagumpay ang natamo nito sa nakaraang 1oth National Agriculturist and Fisheries Volunteers Day na ginanap sa (NVD) sa Summit Galleria sa Cebu City.

Kinilalang second runner up si PAFC Chair Arnulfo Magcope sa kategoryang Outstanding PAFC Chairperson. Si Vicmae Macavinta naman ay kinilala bilang national champion Outstanding PAFC coordinator. Si Magcope ay chairman ng Ibon Multi-Purpose Cooperative na base sa Barangay Tabangka, Numancia Aklan.

Ang volunteers day ay taunang isinasagawa ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture (DA).

Isinasagawa ang NVD para kilalanin ang pagsisikap ng mga opisyal ng PAFC sa ibat ibang bahagi ng bansa kasama na ang national network of consultative bodies, para lalong mapaigting ang industriya ng pagsasaka sa buong bansa.

Kamakailan, nagpahayag ng pag suporta si Aklan Governor Jose Enrique Miraflores sa PAFC-Aklan dahil sa patuloy nitong pagpupunyagi na magtulungan ang pribado, gobyerno at sektor ng mga magsasaka at mga mangingisda sa Aklan.

Ang PAFC ay kinabibilangan ng mga Municipal Fisheries and Agriculture Council sa 17 na bayan sa lalawigan ng Aklan kasama na ang isla ng Boracay.

 

 

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay