
Ni: Shaine Sorrosa
Ibajay, Aklan-Isang 7-taong gulang na bata ang gumawa ng sariling “Things To Do” checklist — at naka-English pa — para hindi siya ma-grounded sa paggamit ng cellphone. Nangyari eto sa Barangay Maloco, Ibajay Aklan.
Ayon sa kanyang ama, si Arnold Jojo Suyod Roba, pitong gawain ang nakalista tulad ng “Clean my room,” “Brush my teeth,” at “Do my homework.” Apat na ang may check, at tatlong araw pa ang natitira bago ang deadline nitong Biyernes.
“𝑵𝒂𝒈𝒖𝒍𝒂𝒕 𝒂𝒌𝒐. 𝑲𝒖𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒐 𝒔𝒂 𝒔𝒑𝒆𝒍𝒍𝒊𝒏𝒈, 𝒏𝒂𝒌𝒂-𝑬𝒏𝒈𝒍𝒊𝒔𝒉 𝒑𝒂. 𝑰𝒏 𝒇𝒂𝒊𝒓𝒏𝒆𝒔𝒔, 𝒎𝒂𝒚 𝒅𝒊𝒔𝒌𝒂𝒓𝒕𝒆,” 𝒂𝒏𝒊 𝑷𝒂𝒑𝒂 𝑨𝒓𝒏𝒐𝒍𝒅.
Ginawa raw ito ng bata matapos sabihan na bawal muna ang cellphone hangga’t hindi natututo ng disiplina. Sagot ng bata: “Okay, I’ll make a list so I won’t be grounded.”
Ngayon, nakaabang ang buong bahay: matatapos kaya ang checklist nito?