Connect with us

Latest News

Tula tungkol sa hirap na naranasan ng mga Meter Reader ng Akelco hinangaan

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay


Ni: Mary Hope Zonio
Umani ng papuri ngayon sa mga netizens sa social media ang facebook post ng Aklan Electric Cooperative, Inc. tungkol sa isang tula na isinulat ng isa sa kanilang mga Meter Reader na si Raff Harold Navida.

Ipinapakita rito na hindi naging hadlang sa kanila ang malakas na pagbuhos ng ulan upang makapaabot ng serbisyo sa kanilang mga konsumidor.

Ang tula ay pinamagatang ” Ulan ka lang, Meter Reader Kami”. Dito ay isinaysay ng may akda ng tula ang palaging nararanasang pag-ulan sa lalawigan ng Aklan at kung paano nila piniling magtrabaho pa rin buong araw. Kahit na sila ay naliligo na sa ulan. Minsan rin umano ay kinakailangan pa nilang mag-leave sa trabaho dahil hindi na makayanan ng kanilang katawan.

Inilarawan rin nito ang hirap na kanilang tinatamasa buwan-buwan sa pag-akyat ng bundok, pagtawid sa ilog at maging ang pagtawid sa maputik na palayan upang makuha lamang ang bilang ng metrong nagamit ng mga konsumidor na siya namang magiging basehan ng kanilang bayarin.

“Sa kaabo abong lugar sa kalibutan
Aklan gd ro haswertihan it uean
Paskwa,bagong dag on pati Ati-atihan
Gapaeang-eapaw nga blessings ro atong hasamitan
Trabaho, agahon hasta it hapon, uean balewala eon
Basa makaron, basa man kahapon
Sipon,ubo ag trangkaso indi pag isipon,
Kung indi eon kaya mag leave lang dayun
Eanas turagon, suba pagatabukon, bukid sakaon
Tubi nga baeon imnon kung uhawon
Bukon eang it oras kundi buean buean ginabalikan run
Duyon do trabahong nakasanayon eon namon.”

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay