

KALIBO, Aklan- Isang kabataang atleta mula sa Aklan Comprehensive High School ang hinangaan ng marami matapos gamitin bilang puhunan sa maliit na negosyo ang insentibong natanggap niya mula sa PALARO.
Si Albert Geltindez, isang masipag at maabilidad na estudyante-atleta, ay hindi nag-aksaya ng pagkakataon. Sa halip na gastusin ang natanggap niyang insentibo, ipinuhunan niya ito sa isang simpleng sideline para matustusan ang kaniyang pang-araw-araw na pangangailangan, lalo na sa pag-aaral.
Ang kaniyang kwento ay nagbigay inspirasyon maging sa mga guro. Isa sa kanila ang nagbahagi na naalala niya ang kaniyang kabataan kung saan siya mismoโy nagbenta ng ice candy para may baon at pambili ng notebook at papel sa kabila ng kahirapan sa buhay.
Ang kwento ni Albert ay patunay na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa medalya o tropeo, kundi sa kung paanong ginagamit ng isang kabataan ang kaniyang talento at tiyaga upang maiahon ang sarili sa hamon ng buhay
๐ซ๐๐’๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐
๐๐๐๐!
๐ฌ๐จ๐ฎ๐ซ๐๐:ย https://www.facebook.com/share/v/1JFUUvXC7a/
See less