
By: Shaine Sorrosa
Ibajay, Aklan- Hindi lang apat na Ninja Turtles ang umagaw ng eksena sa Acquaintance and Induction Program ng Ibajay Integrated School kahapon โ isang batang naka-costume bilang โLittle Mauiโ mula sa sikat na pelikulang Moana ang talaga namang napansin at hinangaan ng mga manonood.
Suot ang kumpletong costume at may kumpiyansa sa pagganap, hindi nagpahuli si โLittle Mauiโ sa pagpapasaya sa mga dumalo. Isa siya sa mga naging tampok sa programa, na puno ng kulay, karakter, at kasiyahan.
Talagang damang-dama ang creativity at effort ng mga kalahok sa selebrasyong ito โ isang patunay na buhay na buhay ang school spirit sa Ibajay Integrated School.
Samantala, nagbigay-saya sa mga manonood ng Ibajay Intergrated School Acquaintance and Induction event kahapon ang apat na kabataang lalaki na nag-transform bilang Teenage Mutant Ninja Turtles. Sa kanilang makulay at malikhaing costume, tunay na kahanga-hanga ang kanilang effort sa paggawa at pagsuot nito.
Ang kanilang performance ay agad na umani ng palakpakan at ngiti mula sa audience, na natuwa sa kakaibang konsepto at saya na hatid ng iconic na karakter mula sa 90s. Isa itong patunay ng kanilang pagkamalikhain at sigasig na makapaghatid ng aliw sa kapwa estudyante at guro.