Connect with us

Latest News

PAL Pinag aaralan ang inter connecting flight na Baguio-Cebu-Boracay?

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

 

Ulat Ni: Darius Bajo (Baguio Connection)

BAGUIO City- Pinag aaralan sa ngayon ng Philippine Airlines ang Inter Connecting Flight magmula Baguio-Cebu at Caticlan vice versa.

Sa isinagawang pagtitipon sa Baguio City Miyerkules ng tanghali, nagkaharap ang pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines, PAL, Department of Tourism, City Government of Baguio kasama ang Hotel and Restaurants Association. Pinag usapan rito ang pagbabalik ng commercial flights ng PAL Express sa lungsod ng Baguio ngayong Disyembre 2022.

Ayon sa CAAP, may mga maliliit na lang na detalyena dapat ayusin sa loob ng Loakan Airport ktulad ng mas maluwag na terminal, pagpapasara ng foot traffic sa mga tumatawid sa runway at pag aayos ng mga obstructions sa nasabing paliparan.

Plano na rin maglagay ang CAAP ng mga modernong kagamitan sa pag landing at take off controllers para sa seguridad at pangangailangan ng mga commercial flights.

Aoyon kay PAL President Stanley Ng, sisiguraduhin nilang suportado nila ang seguridad sa paglago muli ng turismo ng bansa sa pamamagitan ng pagdutong dugtong mg mga malalaking tourism areas sa bansa.

Ayon naman kay Jovi Ganongan, regional director ng DoT- Cordillera, isa daw etong magandang balita dahiol naka linya eto sa kanilang mga plano sa pagpapalo ng turismo ng bansa.

Masaya ring ibinalita ni Baguip City Mayor Benjamin Magalong na sa susunod na lingo ay sisimulan na ang clearing operations sa palibot ng Loakan Airport at kasamang tatangalin ang mga obsructions. Ayon pa kay Magalong, suprotado din daw ng Department of Transportation ang nasabing programa na siya ring magbibigay ng pondo para sa rehabiltiasyon ng nasabing airport.

 

 

 

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay