Connect with us

Environment

Higit 15 bahay nakapagtala ng pinsala nitong kasagsagan ng Pasko

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ni: Mary Hope Zonio

KALIBO, Aklan-Hindi naging masaya ang pagdiwang ng Pasko ng masobra 15 pamamahay o katumbas ng masobra 100 na mga indibidwal matapos na sirain ng malakas na hangin at alon ng tubing ang kanilang bahay dulot ng naranasang Shear line.

Ayon kay Michelle Tugba, isa sa mga apektadong residente mula sa Sitio Baybay, Barangay Caano, Kalibo na nagkaroon umano ng extreme high tide sa kanilang lugar kung saan hindi na naging masaya ang kanilang Pasko dahil abala umano silang mag-impake ng kanilang gamit at paghahanda sakaling kailangan na nilang lumikas. May mga residente din umano na doon nalang nagdiwang ng Pasko sa evacuation center sa kanilang barangay hall matapos na masiraan talaga ng bahay.

Sa ngayon ay pinipilit na sila ng barangay council ng kanilang lugar na lumikas nalang ng mas maaaga upang maiwasan ang grabe pang epekto nito lalo na at hindi pa nila malaman ngayon kung hanggang kailan ito magtatagal.

Samantala,humihingi naman sila ng tulong sa Local Government Unit o LGU-Kalibo para sa mabilis nilang pag-ahon sa nasabing sakuna at hinihiling rin nila na sakaling lumakas pa ang alon ay agad silang marespondehan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay