
Ni: Shaine Sorrosa
Ibajay, Aklan- Isang anak ng Ibajay ang muling nagbibigay dangal sa bayan matapos mapili bilang isa sa mga tampok na filmmaker sa Sarók Short Film Festival 2025.
Si Chandelmer Salido Ginoy, isang visual artist, dokumentarista, at photojournalist, ay lalahok sa prestihiyosong festival sa pamamagitan ng kanyang obrang “Yawa-Yawa.”
Nagtapos si Ginoy ng BA Communication sa Aklan State University at dalawang ulit nang ginawaran ng Gawad Lente Award para sa kanyang makabuluhang kontribusyon sa larangan ng sining at midya. Layunin niyang mapanatili at maipakita ang lalim ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng mga kuwentong kanyang nililikha.
Dati rin siyang Operations Head ng Radio 101 News, at kasapi sa production team ng grupong Kabaean para sa pelikulang “Titulo,” na itinanghal na Best Film (ARB Category) sa PelikulAgraryo 2025.
Sa pagkilalang ito, muling pinatutunayan ni Ginoy na ang talento ng mga Ibayjanon ay maaring umangat at makilala sa mas malawak na entablado ng sining at kultura.