Connect with us

Politics

Ex-Sundalo Kinumpirma ang Pag-deliver ng male-maletang pera kay Martin Romualdez

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Kinumpirma ng labingwalong dating sundalo ang naunang akusasyon ni dating Marine Orly Guteza na nagdala siya ng pera kay dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez galing sa kickback mula sa flood control projects.

Sa isang press conference sa Club Filipino sa San Juan, sinabi ni Baligod na ilang beses nagdala ang mga sundalo ng male-maletang pera na aabot sa P805 bilyon kay Romualdez at Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos Jr. sa Forbes Park at Paoay, Ilocos Norte.

Naglabas si Baligod ng mga larawan na nagpapakita ng maraming maleta na ginamit sa pagdadala ng pera.

Sinabi rin ni Baligod na ginamit pa sa paghahatid ng pera sa ibaโ€™t ibang pulitiko ang eroplano ni Co.

Nauna nang sinabi ni Guteza na nagdala siya ng 46 maleta ng pera kay Romualdez at dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

Iginiit ni Baligod na naniniwala siya na si Marcos ang utak ng anomalya habang nasa ilalim niya sina Romualdez at Co.

Inihayag din ni Baligod na nakatanggap siya ng balita na si Guteza ay umalis na ng bansa.

โ€œMarami po kaming nasasagap na balita na pinapunta po siya sa ibang bansa,โ€ wika ni Baligod.

Bread & Butter Biscocho de Boracay