Lifestyle
Mula sa batang benepisyaryo, tungo sa pagiging lingkod-kabataan

Testimonya ni: Judge L. Idorita
Pribadong guro
Benepisyaryo ng 4Ps
MALINAO, Aklan (Pagtataguyod) – Sinasabing ang pangarap ay walang pinipiling kalagayan sa buhay, ito ay isang layuning pinatitibay ng pananalig at pinagsisikapan sa gitna ng unos. Dati, ako ay isang batang tahimik na nagmamasid sa aming sakahan sa Barangay Navitas ng nasabing bayan ay nangarap na balang araw ay hindi lamang luntiang bukid ang aking matatanaw kundi ang loob ng isang silid-aralan kung saan ako ang magtuturo. Ngayon, sa biyaya ng Maykapal, ako ay isa nang lisensyadong guro na handang humubog sa kaisipan at puso ng mga kabataang naghahangad din ng tagumpay. โ
Ang aming pamilya ay simpleng nananahan sa gitna ng sipag at tiyaga. Si Papa Dieme ay isang magsasaka na ang mga palad ay punong-puno ng kalyo sa pagbubukid, habang si Mama Marlyn naman ay ang mapagmahal na housewife na nagsisilbing gabay ng aming tahanan. Pang-lima ako sa anim na magkakapatid. Hindi naging madali ang aming paglalakbay, dumaan kami sa mga panahong literal na kailangang maghigpit ng sinturon upang makaraos.
Sa mga sandaling ito, ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang naging kaagapay. Malaking tulong ang programang ito dahil naging kasangga namin ito sa aming mga pangunahing pangangailangan sa pag-aaral noong mga panahong kapos kami sa panggastos. Dahil sa 4Ps, nagkaroon kami ng lakas ng loob na pumasok sa paaralan ng may sapat na kagamitan at baon. โ
Ngunit ang buhay ay sadyang puno ng hamon. Habang nag-aaral ako sa Navitas National High School, dumaan ang aming pamilya sa isang matinding pagsubok ng nagkasakit si Papa. Bilang haligi ng tahanan, ang kanyang kalagayan ay sumubok sa aming katatagan. Naalala ko rin noong Grade 5 ako ng hagupitin kami ng Bagyong Yolanda, nakita ko kung paano nasira ang aming bahay at kung paano kami naiwan sa gitna ng guho.
Ngunit sa halip na sumuko, doon ko binitawan ang isang pangako sa aking sarili: โHindi pwedeng dito lang kami.โ Ang mga karanasang ito ang naging mitsa upang higit kong pag-igihan ang aking pag-aaral, hanggang sa makapagtapos ako ng Senior High School nang may karangalang-With High Honors. โ
Sa Aklan State University – Banga Campus, kumuha ako ng Bachelor of Secondary Education Major in Science. Upang makatulong sa gastusin, hindi ko ikinahihiya ang magtinda ng ulam (tinumkan) sa tulong at gabay ng aking ate na si Anna Marie at ng kanyang asawa na si Kuya Kenneth.
Sa kabila ng pagiging abala sa pag-aaral at pagtitinda, naging aktibo rin ako sa mga organisasyon gaya ng ASAA at Kasining Folkloric Dance Troupe, at nagsilbi bilang Presidente ng ASU Kadayawan Chorale at bahagi ng Student Council body. Higit pa sa aking inaasahan, nagtapos ako bilang Cum Laude.
Bago pa man ang board exam, mapalad akong natanggap agad bilang guro sa Saint Josephโs Academy. Puno ng sakripisyo ang yugtong ito dahil kailangan kong pagsabayin ang pagtuturo sa isang pribadong paaralan at ang pagrereview, habang nagsisilbi rin bilang SK Member ng aming barangay. Sa awa ng Diyos, sa kabila ng puyat at pressure, ako ay pumasa at naging ganap na Licensed Professional Teacher. โ
Ngayon, buong puso kong ipinagmamalaki na halos lahat kaming magkakapatid ay tagumpay nang nakatapos ng kolehiyo: si Jimmer, panganay namin ay nakapagtapos ng Bachelor of Arts Major in English, si Anna Marie, pangalawa namin ay nakapagtapos ng sa Bachelor of Science in Home Technology, si Jhon Mark, pangatlo namin ay nakapagtapos ng sa Bachelor of Science in Agriculture, at si Dinnes, pang-apat namin ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in Forestry. Ang aming bunso na si Jimwell naman ay kasalukuyang tinatapos na rin ang kanyang kurso sa Elementary Education.
Bilang pasasalamat, patuloy aking pagseserbisyo sa simbahan bilang miyembro ng choir sa aming parokya. Ang aking kwento ay isang patunay na ang kahirapan ay hindi hadlang, kundi isang hamon na kayang lampasan sa pamamagitan ng sipag, suporta ng gobyerno, at matibay na pananalig sa Diyos.
PAGTATAGUYOD
Nagsimula ang aking ugnayan sa 4Ps bilang isang batang monitored noong elementarya. Ang programang ito ay naging mahalagang bahagi ng aming pundasyon upang makatawid sa mas mataas na antas ng edukasyon.
Bilang isang dating benepisyaryo ng 4Ps na ngayon ay ganap ng guro sa isang pribadong paaralan, malaki ang naging bahagi ng programa sa aking tagumpay at nararapat lamang na ibalik ko ang tulong na ito sa pamamagitan ng aking kasalukuyang organisasyon.
Nakatutulong ang pribadong paaralan sa programang 4Ps sa pamamagitan
ng patuloy na pagbibigay ng kalidad ng edukasyon na itinuturing kong pinakamatibay na tulay na nagtawid sa akin mula sa kahirapan tungo sa tagumpay. Hindi lamang ito tungkol sa pagkakaroon ng mataas na marka o magandang pasilidad, kundi sa pagbibigay ng pantay na oportunidad sa bawat bataโmahirap man o mayamanโna makakuha ng kaalaman, kasanayan, at tamang pag-uugali na kinakailangan upang magkaroon ng magandang kinabukasan.
Bilang isa sa mga buhay na patunay na epektibo ang 4Ps, aktibo rin akong nakikipag-tulungan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aking kwento upang magsilbing inspirasyon at ipaalala sa mga kasalukuyang benepisyaryo na ang tulong ng pamahalaan at ang pagsisikap sa pag-aaral ay ang tunay na susi upang makawala sa kadena ng kahirapan.
โ
โMas mapapaunlad pa ang programa kung patuloy na binibigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon at ang responsableng paggamit ng tulong mula sa pamahalaan. Ang 4Ps ay higit pa sa tulong-pinansyal, ito ay isang instrumento ng pag-asa na nagpapatunay na ang bawat kabataang Pilipino ay may pagkakataong magtagumpay.
Ang aking tagumpay ay alay ko sa aking pamilya, sa mga institusyong naniwala sa akin, at sa programang naging katuwang namin sa panahong kami ay nagsisimula pa lamang mangarap. (Submitted by: Reyrine G. Bautista, ML Malinao, Aklan POO)
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD


