Entertainment
Akeanon OFW; Nag-abroad, Nasaktan, Gumawa ng Kanta

Dubai- Isang Akeanon na Overseas Filipino Worker (OFW) sa bansang Dubai ang gumawa ng sariling R&B Song para ikuwento ang kanyang sakit na nararamdaman bunsod ng pangungulila sa abroad.
Ayon kay Primo Carillo, tubong New Washington Aklan naramdaman niya ang homesick sa Dubai lalo na sa kanyangย minamahal na kasintahan.
Dahil sa homesick, nalulong siya sa bisyo lalo na ang alak dahilan para mapabayaan niya ang kanyang mga taong mahal sa buhay, Eto ang dahilan kaya ang kaniyag kanta ay tinaguriang The Influence.
Bago pumunta sa Dubai, nakilala si Primo bilang isa sa mga masigasig na content creator sa Aklan atย naging bahagi ng Boracay Island News Network.
Mapapakingan sa youtube ng Boracay Island News Network ang link ng kaniyang kanta.


