Entertainment
I LEARNED the Cojuangco-Aquino Humility Lessons The Hard Way

Ni: Dindo Balares
Laging mainit ang coverages ko noon sa entertainment industry at hard-hitting ang columns ko sa Liwayway at Balita.
‘Pag greenhorn ka pa sa media, para ka ring kalabaw na bagong singkaw. Bira kung bira.
“Loose cannon,” ang narinig ko noong tawag sa akin ng boss ko, “kahit saan iharap bubuga.”
Isa si Kris Aquino sa mga hindi nakaligtas sa mga kritisismo ko.
Kahit prangka, constructive criticism naman ang forte ko at never naging below the belt. Pero medyo nagiging harsh na yata ako lalo na sa kaartehan niya, kasi pati nanay ko na never nag-intervene sa mga panulat ko nasita ako sa pinakauna at pinakahuling pagkakataon.
“Bakit naman gano’n na lang kung pagalitan mo si Kris Aquino? Talo pa kung pagalitan mo ang mga kapatid mo,” sabi nang minsang umuwi ako sa Bicol at tinawag para tumabi sa kanya.
Magsesermon pala!
“Ang pagkakaiba lang, sa publiko mo pinagsasabihan, marami ang nakakabasa. Kaya dahan-dahan lang. Bunso baga ‘yan nina Senador Ninoy at President Cory.”
Aware si Kris sa mga sinusulat ko. Kasi sa Christmas raffle sa isang presscon, kung bakit naman nagkataon na siya pa talaga ang nakabunot ng name ko.
“Ikaw si Kuya Dindo?” happy face siya pagkakita sa akin, at malambing. “Lagi mo akong inaaway…” Nang mapangiti ako. “Yehey, friends na kami ni Kuya Dindo!”
Napakahabang kuwento kung bakit nagkahulihan kami ng loob ni Kris, pang-memoir!
Pero heto na ang twist…
Noong nakakapag-confide na siya sa akin, saka ko lang nalaman — at na-realize, sa kuwento na rin niya na may party at nagkakuwentuhan sila ng big boss ko — na family friend nga pala nila ang may-ari ng pinagtatrabahuhan ko!
Kung ugali niya ang pagiging vindictive, anytime puwede niya akong ipatanggal sa trabaho noong panay ang bira ko sa kanya!
Nagre-repost ako ng mga kaibigan ni Kris na binanggit ko sa previous post ko na nag-aalaga kay Kuya Josh tuwing out of the country o superbusy siya. May hunch agad ako pagsabog pa lang ng isyu na sila ang magpapatunay sa napakalaking pagkakamali ng Macho Chismisan.
Napakahalaga ni Kuya Josh! Siya ang nagsisilbing “ambassador” ni Kris sa kanyang mga kaibigan at maging sa mga kaibigan nina Pangulong Noynoy at Pangulong Cory noong nabubuhay pa.
Speaking of learning the Cojuangco-Aquino humility lessons the hard way.


