Connect with us

Latest News

Aklan Cultural Contest Matagumpay na Ipinagdiwang

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ni:  Mary Hope Zonio

Muli na namang nangibabaw ang galing at talento ng mga Kalibonhon pagdating sa larangan ng pag awit matapos na masungkit ng kanilang kalahok ang kampeonato gamit ang orihinal na kantang Aklanon na pinamagatang ‘Kaming Magmamani’ sa ginanap na Aklanon folk songs competition.

Inorganisa eto ng Aklan provincial government kasama ang Aklan Culture and Arts Foundation Inc., sa tulong ng Aklan Provincial Tourism. Ginanap etp sa ABL Sports Complex noong araw ng Biyernes, Agosto 26.

Nasa ikalawang puwesto naman ang kalahok mula sa bayan ng Batan na inawit ang orihinal na kantang ‘Simoy sa Kabukiran’. Samantala, nakuha naman ng kalahok ng Banga ang ikatlong puwesto gamit ang orihinal na awit na ‘Onga nga owa kabati’ .

Napag-alaman na mayroong labindalawang mga kalahok ang nasabing patimpalak na nagmula pa sa iba’t ibang bayan sa buong lalawigan ng Aklan.

Samantala, hindi rin nagpahuli ang bayan ng Altavas at ibinida rin ang kanilang galing sa pagsayaw na nagdala sa kanila sa kampeonato sa Aklanon folk dances.

Nasa ikalawang puwesto naman ang kalahok ng Ibajay at ang nakakuha naman ng ikatlong puwesto ay ang Batan.

Napag-alaman din na ang nasabing patimpalak ay isinagawa upang bigyang halaga ang selebrasyon ng Buwan ng Wika ngayong Agosto. Layunin rin nito na maipakita sa buong mundo ang galing ng mga Aklanon pagdating sa larangan ng pag awit ag pagsayaw.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay