
Ni: Mary Hope Zonio
Kalibo Aklan—— Pormal ng binuksan ng Aklan Provincial Government para sa publiko ang kanilang Online Payment System o OPS sa pamamagitan ng isang Official Launching na ginanap ngayong araw ng Miyerkules, Setyembre 14.
Sa pangunguna ni Aklan Governor Jose Enrique “Jo-en” Miraflores ay inilunsad ang OPS na naglalayong mabawasan ang paghihirap ng mga Aklanon sa pagbayad ng kanilang Real Property Tax.
Sa pamamagitan din nito ay puwedi ng gawin ang nasabing transaksyon sa online. Balak rin ng provincial government na tanggalin ang iba pang mga karagdagang transaksyon na mano-manong ginagawa ngunit kinokonsidera din nila ang mga taong gusto pa rin ang face to face na transaksyon.
Samantala, nananatiling bukas naman ang kanilang opisina para sa mga gustong pumunta ng personal upang makapagbayad ng kanilang bayarin.