Connect with us

Latest News

APPO handa sa malawak na pagpapatupad ng seguridad sa Araw ng mga Patay;

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ni: Mary Hope Zonio

Inihayag ngayon ng Aklan Police Provincial Office o APPO na handa na ang kanilang buong tauhan para sa nalalapit na Araw ng mga Patay.
Ayon kay PCpl. Leonelyn Artes, tagapagsalita ng APPO na magkakaroon sila ng deployment ng PNP personnel sa mga matataong lugar kagaya ng sementeryo, simbahan at public transport area tulad ng ports at terminals.
Aniya, inaasahan nila ang pagkakaroon ng malaking numero ng mga magbabiyahe sa Araw ng mga Patay lalo na at pinapayagan na ang face to face na pagbisita sa mga pampublikong sementeryo.
Dagdag pa nito na ang nasabing petsa ay isang mahabang bakasyon dahilan upang marami ang magpapasyang umuwi sa kani-kanilang lalawigan upang makapagbisita sa kanilang mga mahal sa buhay na yumaon na.
Samantala, naka full alert status naman ang buong hanay ng pulisya sa nasabing araw upang mas mabigyang halaga ang mapayapa at maayos na pagbisita sa mga pampublikong sementeryo.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay