๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐๐ถ๐ฐ๐น๐ฎ

By: Shaine Sarrisa
Malay, Aklan – Sa pangunguna ng Sangguniang Barangay ng Caticlan, opisyal na inilunsad ang Supplemental Feeding Program para sa 45 batang Caticlanon na may kakulangan sa nutrisyon.
Ang programa ay pinamumunuan ni Punong Barangay Hon. Ralf A. Tolosa at ni Hon. Cristina R. Daguno, Chairperson ng Committee on Health, bilang bahagi ng kanilang adhikain na mapabuti ang kalusugan ng kabataan sa komunidad.
Bilang panimula, isinagawa ang isang Nutrition Seminar para sa mga magulang. Ito ay pinangunahan nina Maโam Josephine V. Ismael mula sa DOH-Aklan at Maโam Mariel S. Cahilig, Municipal Nutrition Officer ng LGU Malay.
Tinalakay nila kung paano makapaghahanda ng masustansya at abot-kayang pagkain sa araw-araw.
Layunin ng programa na sa loob ng isang buwan, ay regular na mabigyan ng masustansyang pagkain, sariwang prutas, gulay, at bitamina ang mga batang kalahok upang mapalakas ang kanilang resistensya at pangangatawan.
Ang programang ito ay suportado ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) at pinondohan ng Barangay upang matiyak na walang batang maiiwan sa laban kontra malnutrisyon.
Lubos ang pasasalamat ng Barangay C#aticlan sa mga tumulong at nakiisa sa programa tulad ng Barangay Nutrition Scholars, Barangay Health Workers, Sangguniang Kabataan officials, at iba pang mga kawani ng barangay.
Ayon kay Hon. Daguno, โAng kalusugan ng bata ay kalusugan ng kinabukasan. Sama-sama nating isinusulong ang nutrisyon para sa lahat.โ