Connect with us

Latest News

BFP-Makato, may bagong Patient Transport Service Vehicle mula sa LGU

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ni Mary Hope Zonop

Makato, Aklan-Natanggap na ng Bureau of Fire Protection o BFP-Makato ang isang unit ng bagong Patient Transport Service Vehicle mula sa kanilang Local Government Unit o LGU.

Ayon kay FO3 Mark Alvin Patricio ng BFP-Makato na sa katunayan ay matapos ang pormal na turn-over ay nagawa na nila itong magamit sa pagresponde sa mga insidente mula pa kahapon. Gagamitin rin ang nasabing service vehicle sa mga aksidente at anuman na mga medical cases na ipaabot sa kanilang tanggapan.

Napag-alaman na nabili ang sasakyan sa pamamagitan ng isang memorandum of understanding sa gitna ng LGU-Makato at BFP-Region 6. Ang BFP Makato ay ang kauna-unahang nagkaroon ng Patient Transport Service Vehicle sa buong lalawigan ng Aklan. Malaki aniya itong tulong kung ihambing sa kanilang fire truck na sobrang laki.

Kung maalala kasama na ngayon sa trabaho ng BFP ang pagresponde sa mga iba’t ibang insidente at aksidente. Dahil dito ay madagdagan umano ang numero ng mga staff ng emergency medical service ukon EMS mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO.

 

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay