Connect with us

Agriculture

DA, BAI, FDA, NDA inianunsiyo ang paglilipat ng Veterinary at Dairy Regulation sa ilalim ng bagong batas

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Nag-isyu ng joint advisory sina Department of Agriculture Undersecretary for Livestock Constante Palabrica at Food and Drug Administration Director General Atty. Paolo Teston na nagdedetalye sa paglilipat ng mga pangunahing tungkulin sa pangangasiwa ng Bureau of Animal Industry (BAI) at ang National Dairy Authority (NDA), matapos maging batas ang Republic Act No. 12308, o ang Animal Industry Development and Competetiveness Act.

Ipinaliwanag sa advisory na sa bagong batas ay inilipat na sa BAI ang hurisdiksiyon ng veterinary drugs, veterinary products at biologics at iba pang produktong pangkalusugan para sa hayop at mga kagamitan mula sa FDA. Ibinigay din sa NDA ang ganap na kapangyarihan sa regulasyon sa dairy industry, kabilang na ang pagsuri at accreditation ng local dairy activities at mga produkto mula sa pangunahing produksiyon hanggang sa post-market distribution.

Ayon sa advisory, nagkaroon na ng koordinasyon sa mga ahensiya upang masiguro na hindi maantala ang regulatory services sa buong panahon ng transisyon. Ang mga aplikasyon na naisumite sa FDA bago October 28, 2025 ay patuloy na sasailalim sa ebalwasyon ng ahensiya, at ang mga pending hanggang April 25, 2026 ay ililipat sa BAI o NDA para sa pinal na aksiyon.

Samantala, ang mga aplikasyon na isinumite pagkatapos ng 28 October 2025 ay tatanggapin direkta ng angkop na ahensiya ng DA. Lahat ng permits na inisyu ng FDA ay mananatiling may bisa hanggang sa naitakdang expiration dates at ang kasalukuyang umiiral na bayarin ay mananatiling epektibo hanggang sa maglabas ng rebisyon ang BAI at NDA pagkatapos maisagawa ang pampublikong konsultasyon.

Binigyang-diin ng mga opisyal na layunin ng transition na maging simple ang mga proseso, mapalakas ang pangangasiwa sa kalusugan at produksiyon ng mga hayop at mapahusay ang pakikipagkumpetensiya sa buong livestock at dairy sectors.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay