Connect with us

Advisory from the Government

Dep-Ed sinisimulan na ang pagbibigay ng year-end incentives sa isang milyong empleyado

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ni: Dep-Ed Secretary Sonny Angara

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinisimulan na namin sa Department of Education ang paglalabas ng year-end incentives para sa halos 1 milyong guro at kawani sa buong bansa, bahagi ng malasakit ng Bagong Pilipinas na ramdam hanggang sa silid-aralan.
Kasama rito ang ₱20,000 Service Recognition Incentive (SRI) at ₱5,000 Productivity Enhancement Incentive (PEI) para sa mga guro at non-teaching personnel; ₱10,000 CNA incentive para sa mga kwalipikadong non-teaching staff; at ₱4,000–₱7,000 gratuity pay para sa mga COS at JO workers, depende sa haba ng serbisyo.
Ilalabas ang SRI sa dalawang tranche, na magsisimula ngayong Disyembre (₱10,000–₱14,500 sa unang release), alinsunod sa DBM guidelines. Ang PEI ay hiwalay na ilalabas ayon sa EO No. 201, habang ang CNA incentive ay nakatakda sa Enero 2026.
Para sa akin, malinaw ito: kapag inaalagaan natin ang ating mga guro at kawani, mas tumitibay ang edukasyon—at iyon ang direksiyon ng pamumuno ni PBBM at ng Bagong Pilipinas.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay