Connect with us

Advisory from the Government

P8.68 B na Pondo Para sa Salary Upgrades ng Public School Teachers

Published

on


_Pondo, tutugon sa salary differentials ng mga na-reclassify na posisyon sa DepEd sa buong bansa_

Mahigit 93,000 public school personnel ang nakatakdang makinabang sa salary upgrades matapos aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng karagdagang P8.68 bilyon para sa Department of Education (DepEd) para sa patuloy na implementasyon ng Expanded Career Progression (ECP) System.

Tutugon ang karagdagang pondo sa salary differentials ng mga kwalipikadong personnel na ang mga posisyon ay na-reclassify sa ilalim ng ECP System, kung saan makikinabang ang 93,344 reclassified positions sa buong bansa.

Ayon kay DBM Acting Secretary Kim Robert C. De Leon, sa pamamagitan ng pondong ito, direktang mapakikinabangan ng mga guro at iba pang kwalipikadong public school personnel ang career progression reforms ng pamahalaan, kasabay ng kanilang pag-angat sa propesyon.

_โ€œKapag umaangat ang ating mga guro sa kanilang propesyon, dapat umaangat din ang kanilang sweldo. This P8.68-billion release means more than 93,000 qualified public school personnel can receive the compensation that comes with their reclassified positions. Pinaghirapan nila ang career advancement na ito, kaya dapat maramdaman din nila ang benepisyo nito,โ€_ pahayag ni Acting Secretary De Leon.

Pinalalawak ng ECP System ang mga oportunidad para sa mga public school teacher na umangat sa kanilang propesyon at makatanggap ng mas mataas na kompensasyon habang patuloy na nananatili sa larangan ng pagtuturo. Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na kilalanin ang karanasan, kakayahan, at propesyonal na pag-unlad ng mga nasa sektor ng edukasyon.

Tutugon ang P8.68 bilyong pondo sa implementation requirements para sa FY 2025 at FY 2026 ng mga personnel na nabigyan na ng Notices of Organization, Staffing, and Compensation Action (NOSCA) at appointments. Ang halaga ay kukunin mula sa FY 2026 built-in Personnel Services (PS) lump-sum appropriations ng DepEd, alinsunod sa funding strategy para sa programa na inaprubahan ng DBM.

Para maipatupad agad ang mga salary upgrade, ang mga DBM Regional Offices (ROs) ang magpo-proseso at magpapalabas ng kaukulang pondo para sa kani-kanilang DepEd Regional Offices (ROs). Sa ganitong paraan, makararating ang kinakailangang pondo sa mga rehiyon kung saan nakatalaga ang mga kwalipikadong personnel.

Nakatakda ring higit pang palakasin ng Marcos Jr. Administration ang pondo para sa career advancement ng mga guro sa susunod na taon.

Sa ilalim ng panukalang FY 2027 National Budget, P12.09 bilyon ang inilaan para sa Expanded Career Progression Systemโ€”mas mataas ng P5.94 bilyon, o 96.6 percent, kumpara sa FY 2026 fundingโ€”upang suportahan ang patuloy na reclassification at career advancement ng mga public school teacher.

_โ€œWe want teaching to be a profession where our educators can build a rewarding, lifelong career. Hindi dapat kailangang iwan ng isang mahusay na guro ang classroom para lamang magkaroon ng pagkakataong umangat. By investing in their career progression, we are investing in better teachers, better classrooms, and ultimately, a better future for our children,โ€_ dagdag ni Acting Secretary De Leon.

Sa pamamagitan ng karagdagang P8.68 bilyong pondo at ng panukalang mas mataas na funding para sa ECP System sa 2027, patuloy na pinalalakas ng pamahalaan ang career pathways para sa mga public school teacher, upang matiyak na ang kanilang professional advancement ay may kaakibat na nararapat na pagkilala at kompensasyon, habang tumutulong sa pagbuo ng mas matatag na public education system para sa mga Pilipinong mag-aaral.

*[END]*

Ati-Atihan Festival Hotel
Bread & Butter Biscocho de Boracay