Agriculture
DA-WV Pinarangalan ang 15 Mangingisda, Magsasaka at Organisasyon sa Gawad Saka 2026

ILOILO CITY — Hinikayat ni Department of Agriculture–Western Visayas Regional Executive Director Dennis Arpia ang mga magsasaka at mangingisda na manatiling matatag, positibo at handang umangkop sa mga hamon na dulot ng banta ng El Niño.
Ayon kay Arpia, mahalagang maging resilient ang mga nasa sektor ng agrikultura at pangisdaan, lalo na sa harap ng posibilidad ng matinding epekto ng El Niño sa produksyon, suplay ng tubig at kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paghahanda, maagang pagpaplano at paggamit ng mga teknolohiyang makatutulong upang mabawasan ang epekto ng tagtuyot.
Kasabay nito, labinlimang natatanging magsasaka, mangingisda, agricultural organizations at councils sa Western Visayas ang kinilala sa Gawad Saka Regional Awarding Ceremony 2026 na isinagawa noong Oktubre 5 sa Iloilo City.
Kinilala sa parangal ang mga indibidwal at organisasyong nagpakita ng kahusayan, inobasyon, katatagan at dedikasyon sa pagsusulong ng agrikultura at pangisdaan sa rehiyon.
Kabilang sa mga nagwagi ang:
Outstanding Rice Cluster – Communal Irrigation System: Serruco (Babtesan) Irrigators’ Association, Inc., Sara, Iloilo
Outstanding Rice Cluster – National Irrigation System: LACASAN Irrigators’ Association, Inc., Leganes, Iloilo
Outstanding Rice Cluster – Small Water Irrigation Association: Mapili Farmers Association, San Enrique, Iloilo
Outstanding Coconut Farmer: Ramon R. Rasco, Banga, Aklan
Outstanding Dairy Carabao Raiser – Smallhold: Elmer G. Amigable, Sibunag, Guimaras
Outstanding Corn-Based Farmer: Rex R. Baldestamon, Patnongon, Antique
Outstanding High Value Crops Farmer – Vegetable: Engr. Ed Roderick V. Cañuto, Badiangan, Iloilo
Outstanding High Value Crops Farmer – Plantation: Gerard M. Camiña, Sibunag, Guimaras
Outstanding Small Animal Raiser – Adopting Integrated Farming: Concepcion “Connie” C. Carillo, Bingawan, Iloilo
Outstanding Provincial Agriculture and Fishery Council: Provincial Agriculture and Fishery Council of Aklan
Outstanding Municipal Agriculture and Fishery Council: Municipal Agriculture and Fishery Council of Kalibo, Aklan
Outstanding Urban and Peri-Urban Agriculture – Garden: JPT Ediscape Garden, Brgy. Buntatala, Jaro, Iloilo City
Outstanding Rural Women: Reynilda P. Partida, Carles, Iloilo
Outstanding Fisherfolk – Fish Capture: Gina R. Ungsod, San Lorenzo, Guimaras
Outstanding Fisheries and Aquatic Resources Management Council: Ajuy Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (MFARMC)
Tumanggap ng ₱500,000 cash award ang bawat organizational awardee, habang ₱100,000 naman ang ipinagkaloob sa bawat individual awardee.
Pinangunahan ni Gawad Saka National Secretariat Head Director Antonieta Arceo ang paggawad ng mga parangal.
Binigyang-diin sa seremonya ang mahalagang ambag ng mga magsasaka, mangingisda at kanilang mga organisasyon sa pagpapaunlad ng agrikultura at pangisdaan at sa patuloy na pagpapalago ng ekonomiya ng Western Visayas.
Sa gitna ng banta ng El Niño, nanawagan si Arpia sa mga magsasaka at mangingisda na huwag panghinaan ng loob at sa halip ay gamitin ang mga oportunidad, teknolohiya at suporta ng pamahalaan upang maging mas handa at matatag ang sektor.
#GawadSaka #WesternVisayas #ElNino #Agriculture #Fisherfolk


