Business
“Buy Local By OFWs Holiday Catalog” Ilulunsad Para Sa OFW Entrepreneur

Ilulunsad ng Department of Migrant Workers (DMW) sa loob ng linggong ito ang โBuy Lokal, By OFWsโ Holiday Catalog na magtatampok ng mga produktong gawa ng overseas Filipino workers (OFWs) na may sariling negosyo. Layunin ng inisyatiba na makatulong sa pagpapalawak ng merkado ng kanilang mga produkto at pagsuporta sa kanilang kabuhayan sa Pilipinas.
Bahagi ang inisyatiba ng pagsusulong ng DMW sa reintegration ng mga OFW sa pamamagitan ng KKK: Kalinga, Kaalaman, at Kabuhayan. Nakatuon ang programa sa pagbibigay ng oportunidad sa mga nagbabalik na OFW na makapagsimula at makapagpalago ng sariling kabuhayan.
Tinalakay din ang kahalagahan ng reintegration sa flag-raising ceremony ng DMW noong Oktubre 12, 2026, kung saan naging panauhin si Miss Philippines Charm 2026 Apriel D. Smith. Binigyang-pansin niya ang pangangailangang magkaroon ang mga Pilipino ng pagkakataong bumuo ng kanilang kinabukasan sa sariling bansa.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac, โPatuloy nating ipinapatupad ang KKK โ Kalinga, Kaalaman, at Kabuhayan, bilang pangunahing programa ng ahensya para sa reintegration ng ating mga OFW.โ
Sinabi naman ni Smith, โThe goal should not only be to send Filipinos abroad to build better lives. The goal should also be to build a Philippines that Filipinos can proudly come home to. A country where they can contribute to dream, grow, prosper, and build their future and their families.โ
Hinihikayat ng DMW ang publiko na tangkilikin ang mga produktong itatampok sa โBuy Lokal, By OFWsโ Holiday Catalog. Ilalabas ang catalog sa darating na Biyernes, October 16, 2026 sa DMW official website (www.dmw.gov.ph) upang malaman ng publiko kung saan maaaring makita at mabili ang mga produkto.###
#DMWPHL
#TahananNgOFW
#BagongPilipinas


