
Ni: Mary Hope Zonio
Makato, Aklan- Handa na ang Department of Education o DepEd Region VI sa nalalapit na Western Visayas Regional Athletic Association o WVRAA meet 2023 na gaganapin sa lalawigan ng Aklan sa Abril 26.
Sa isinagawang press conference, inihayag ni Hernani Escullar Jr., spokesperson ng DepEd region VI na nakapagsagwa na sila ng inspection samantalang nagpapatuloy naman ang kanilang coordination meeting sa DepEd Aklan upang matapos na ang lahat ng mga kailangan at upang wala nang magiging problema pa sa pagsisimula ng mga sporting events kung saan ang opening ceremony ay gaganapin mga bandang alas-3 ng hapong ng Abril 26.
Aniya, nakita nila na convenient at comfortable para sa mga delegado ang mga inilaan na billeting quarters. Sa ngayon ay nagpapatuloy ang kanilang koordinasyon sa pamunuan ng Aklan Provincial Hospital sa mga emergency cases na kailangan mabigyang ng agarang paggamot o atensyon lalo na ngayong tag-init.
Sa kabuuan, ang Negross Occidental ay may delegasyon na 847; Iloilo nga may 787; Guimaras na may 381; Capiz na may 681 at ang Aklan na mayroong 742 na sasali sa mga sporting events kasama ang mga coaches, technical officials at iba pang committees.