
Ni: Mary Hope Zonio
KALIBO, AkLAN- Kinumpirma ng kinikilalang Aklanon Warrior Princess na si Cherry May Felicidario Regalado sa kaniyang social media account na siya ang magiging Torchbearer at Extinguishing the Urn ngayong WVRAA Meet 2023 na gaganapin sa lalawigan ng Aklan.
Isasagawa ni Ms Regalado ang pagigging torch bearer sa Opening Ceremony sa April 26 ng hapon sa Aklan Sports Complex sa Barangay Calangcang, Makato Aklan.
Sa kaniyang facebook post ay pinasalamatan nito ang Department of Education Region VI, DepEd-Aklan, Aklan Provincial Government, Philippine Sports Commission, Philippines Sports Institute, PhilSilat at Philippine Lightning Speed Aklan sa ibinibigay sa kaniyang pagkakataon at pribilehiyo.
Si Regalado ay nakilala dahil sa kaniyang husay at galing sa larangan ng larong Pencak Silat at ilang beses rin niyang nirepresenta ang Pilipinas sa mga worldwide competition. Madalas rin niyang naiuwi ang mga gintong medalya at ang pagiging Champion sa mga worldwide pencak silat tournament.
Tinaguriang Princess Silat si Ms Regalado ng ilang kilalang sports analysts dahil binasag nito ang record sa larangan ng nasabing laro na pinasikat ng bansang Indonesia.
Umaasa naman si Ms Regalado na magiging inspirasyon siya ng mga atleta na sasabak sa WVRAA 2023.