
Ibajay, Aklan- Inihayag ni Ibajay Mayor Jose Miguel Miraflores ang inissal na detalye ng lamay ng yumaong vice mayor Julio Estolosso.
Kung matatandaan, pinagbabaril hangang sa mapatay ni Ibajay Councilor Mihrel Senatin ang vice mayor sa loob ng opisina nito noong August 8.
Ayon kay Miraflores, nakausap niya ang pamilya ni Vice Mayor Estolloso at nagpahayag na sa kanilang bahay muna sa Barangay Mangan, Banga muna ilalagak ang kabaong ng vice mayor simula August 10 hangang sa August 17. Residente ng Banga, Aklan ang maybahay nito.
Sa araw na iyon, dadalhin ang labi ni vice mayor sa bahay nito sa August 17-22. Dadalhin naman sa Melchor Memorial School Inc sa Ibajay para magbigay pugay sa eskuwelahan na kanilang pinahusay magmula August 22-25, 2025.
Sa araw naman ng August 25 ang tinitignang araw ng libing ng yumaong vice mayor alas tres ng hapon sa St Peter the Apostle Parish.