
By: Kalibo Councilor Matt Guzman
Sabi ng asawa ko, she prayed for me. Nagpray daw siya kay God na bigyan siya ng magmamahal sa kanya. At dumating ako.

Ako naman nagpray din kay God na sana bigyan niya ako ng babae na all around na.

Hindi lang nanay ng mga anak ko kundi sekretarya at tagapagsulat ko pa.

Hindi kasi ako mahilig gumawa at sumunod ng schedule, come what may ang ugali ko. Kaya swerte ko talaga organized siya sa lahat ng bagay, at kadalasan advanced pa. Overthinking lang pero sigurista.
Hindi ako mahilig magbasa, pero nilalaanan ko ng pag-intindi ang mga bagay bagay. Kaya mabuti nalang hindi lang siya book lover kundi writer pa, at pang international pa. Isa sa mga pinakamagaling na nakilala ko.
Marami akong naiisip pero pinaplano ko ng maigi. Siya naman kapag nakapag-isip, gagawin agad dahil kaya niya gawan ng paraan lahat. Kaya kahit dalawa lang kami noon, nagagawa at nagagawa namin ang mga outreach programs at volunteerism initiatives. Lalo na ngayon, lumaki na ang organisasyon namin dahil sa kanya.
Lagi ko na sinasabi, sa lahat ng kulang o wala sa buhay ko at mga plano ko, God will provide.

Hindi ako binigo kailanman ni God. Sa asawa na binigay niya sa akin, totoo nga na I always have God’s provision.

Kaya I will celebrate you everyday, Naynay

for being my wife, the mother of my children, and a phenomenal woman in writing, volunteerism, and changing lives.
