Connect with us

Latest News

Kalibo Mayor Sucro, personal na inihatid ang sulat sa NGCP matapos ang malawakang brown out

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay


Ni: Mary Hope Zonio

KALIBO, Aklan- Personal na dinala ang sulat ni Kalibo Mayor Juris Bautista Sucro sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP upang maipaabot ang malawakang power supply interruptions sa bayan ng Kalibo at maging sa buong Panay Island.

Nakaaddress ang nasabing sulat kay Mr Anthony Almeda, President and Chief Executive Officer ng NGCP

Nakasaad sa nasabing sulat ng nilagdaan ng Alkalde na lubos na naapektuhan ang ekonomiya ng bayan matapos ang mahabang pagkawala ng suplay ng kuryete kung saan maging ang mga negosyo, trabaho, klase, komunikasyon at maraming iba pa ay naapektuhan. Aniya, maging ang kalusugan ng mga residente ay naapektuhan rin dahil sa mainit na klima at walang magamit upang maibsan ang init sa kanilang pamamahay.

Hinimok rin nito ang pamunuan ng NGCp na magpaliwanag at ipaabot sa kanilang tanggapan kung ano ang ginagawa nitong solusyon sa madalas na pagkawala ng suplay ng kuryente.

Umaasa naman umano ang alkalde na mabigyang pansin ang kaniyang sulat at makatanggap ng sagot mula sa NGCP nang sa ganoon ay maliwaganan rin ang mga Kalibonhon kung ano ang naging problema.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay