Connect with us

Latest News

Mga bagong opisyal ng Lady Local Legislators League of the Philippines, Inc. – Aklan Chapter kilalanin

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay


Ni: Mary Hope Zonio
KALIBO, Aklan- Itinalaga bilang Presidente ng Lady Local Legislators League of the Philippines, Inc – Aklan Chapter si Kalibo Vice Mayor Cynthia Dela Cruz sa ginanap na botohan noong Mayo 2, 2023.

Sa kaniyang facebook post ay pinasalamatan nito ang presensiya ni Governor Christine Garin ng Iloilo bilang National President at ang DILG Provincial Director na si Dino Ponsaran dahil sa matagumpay na aktibidad.

Pinasalamatan rin nito ang lahat ng nagtiwala sa kaniyang kakayahan bagay upang mapili siya bilang Presidente ng Aklan Lady Local Legislator League 2023-2025 .

Aniya, noong nakaraang taon ay limitado ang ilang mga aktibidad at maraming mga pagpupulong ang hindi natuloy kaya naman ngayong maluwag na ang mga panuntunan laban sa COVID-19 ay itinuturing niyang isang napakalaking hamon ang nasabing posisyon.

Samantala, masaya rin niyang ibinalita ang kanilang paparating na proyekto na magbibigay ng trabaho para sa mga kababaihan kasama ang pagbibigay ng 17 mga blenders para makapagsimula ang mga ito ng kaniyang pagkikitaan habang nasa kanilang mga tahanan.

Narito naman ang iba pang mga nahalal sa posisyon ;

Vice President: Hon.Erlinda Maming (Banga)

Secretary: Atty. Christine Dela Cruz (Kalibo)

Treasurer: Hon. Lilyn Jauod (Numancia)

Auditor: Hon. Celo Sendon

Public Relations Officer: Hon. Pitche Joy Alfaro (New Washington)

Board of Directors:

Western District:

1. Hon. Sol Molo

2. Hon. Marcosa Rusia

Eastern District:

1. Dr. Rina Sarceno

2.Hon. Estrella Velarde

3. Hon. Joy Ramos

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay